Maaari nang makabili ng “boquet of vegetables” na inaalok ng Department of Agriculture Region 2 bilang kakaibang panregalo ngayong araw ng mga Puso.
Ayon kay Elizabeth Allam, manager ng Cagayan Valley Research Center Multi-Purpose Cooperative ng DA-RO2 sa halip na bulaklak ay maaaring iregalo sa kasintahan, kaibigan o mga mahal sa buhay ang mga sariwang agricultural products.
Tumatanggap ang DA ng mga orders sa halagang P400 hanggang P600 para sa boquet ng Dinengdeng, pang-sigang, chopsuey at maraming iba pa habang maaari ring magpa-customize ang mga customers ng gulay na ilalagay sa boquet.
Ang programa ay magtatagal hanggang sa ika-16 ng Pebrero na may layuning makatulong sa mga lokal na magsasaka sa Isabela at Nueva Vizcaya at maging sa agri eco-tourism farm ng DA-CVRC sa lungsod ng Ilagan, Isabela dahil direktang manggagaling sa kanila ang mga ibebentang gulay.
Sinabi ni Allam na ang konsepto ay sinimulan ng ahensya noon pang 2021 dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng ibat ibang klase ng mga bulaklak sa mga pamilihan kung kaya nabuo ang programa para sa mga hindi kayang makabili ng mga mamahaling bulaklak na panregalo sa kanilang mga minamahal.