Iginiit ng Makabayan Bloc na dapat isuko na sa mga awtoridad si Senator Ronald Bato dela Rosa na mayroon umanong kinakaharap na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ito ng Makabayan Bloc sa Kamara, matapos magkagulo kagabi sa Senado kung saan may mga narinig pang mga putok ng baril.

Ayon sa Makabayan Bloc na binubuo nina Representatives Antonio Tinio, Sarah Jane Elago at Renee Co, mapipigilan ang higit pang kaguluhan sa Senado kung magpapa-aresto na si Senator Bato.

Sina Gabriela Women’s Party-list Rep. Elago at Kabataan Party-list Rep. Co ay nakiisa rin sa ginanap na kilos-protesta kagabi sa Welcome Rotonda sa Quezon City.

Sa naturang pagtitipon ay nanawagan sila na dapat panagutin ang lahat ng korap gayundin ang pag-aresto kay Senador Dela Rosa na nahaharap sa kasong crimes against humanity.

-- ADVERTISEMENT --