Magkakaroon na ng processing center ang Gunglo Farmers Association of San Ramon sa bayan ng Aglipay para sa kanilang chili garlic oil product.

Ang processing center na ito ay naging posible sa pamamagitan ng Village Level Farm-Focused Enterprise Development (VLFED) project ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ito ay sa pamamagitan ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Gunglo at ng mga ahensya kung saan kabilang ang DAR, Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI), at lokal na pamahalaan ng Aglipay.

Kaugnay nito, ipinangako ni Provincial Director Mary Ann Corpuz Dy ng dti ang suporta ng kanilang ahensya sa asosasyon sa packaging at labeling, gayundin sa kanilang marketing at promosyon ng chili garlic oil product ng asosasyon.

Sa kabilang banda, nangako naman ang lokal na pamahalaan na tutulong sa mga kinakailangang raw materials para sa produksyon ng chili garlic oil.

-- ADVERTISEMENT --

Habang ang Provincial Director ng DOST na si Rocela Angelica B. Gorospe ay nakatuon sa pagbibigay ng pagsasanay para sa mga magsasaka para sa mas maraming produktong mapagkumpitensya sa merkado.

Ang proyekto ng VLFED ay nakatuon sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng dekalidad na produkto pati na ang pagproseso nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga benepisyaryo na magkaroon ng kinakailangang teknikal at iba pang suporta para mapahusay pa ang kanilang produksyon.