Huli ang isang guro sa pampublikong eskuwelahan sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Brgy. Redondo, Iguig nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay PLT Crisandra Aggabao, deputy chief of police ng PNP-Iguig, nahulihan ang 52-anyos na guro na residente ng Brgy Malabbac ng anim na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,800.

Sinabi pa ni Aggabao na dating sumuko sa Oplan Tokhang ang suspek.

Dinala naman ang suspek at mga nakumpiskang ebidensiya sa PDEA-RO2 para sa isasagawang examination habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.