TUGUEGARAO CITY- Naiuwi na ng pamilya ang mga labi ng isang pampublikong guro sa Santo Tomas, Isabela na natagpuang palutanglutang sa ilog sa Brgy. Maraduru, Enrile, Cagayan.

Kinilala ni PMAJ Rodel Gervacio, hepe ng PNP Enrile ang bangkay na si Lovely Doll Miguel, guro sa Kulong Elementary School sa Santo Tomas.

Ayon kay Gervacio, iniulat na tatlong araw na nawawala ang nasabing guro bago natagpuan sa nasabing ilog.

Sinabi niya na sa kanyang pagtatanong sa hepe ng PNP Sto. Tomas at maging sa pamilya ay nakakaranas umano ng depresyon ang guro subalit hindi na idinitalye ang dahilan ng kanyang depresyon.

Idinagdag pa ni Gervacio na iniimbestigahan na rin ng PNP Sto. Tomas ang circumstances ng pagkalunod ng guro at kinukumpirma na rin ang sinasabing siya ay tumalon mula sa tulay.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Gervacio na pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay ng guro batay sa isinagawang post mortem sa bangkay.