Inatake ng mga rebeldeng Houthi ang isang administrative building ng national oil firm na Saudi Aramco sa lungsod ng Dhahran na nagdulot ng sunog ngunit walang naitalang nasaktan.

Isinagawa ang pag-atake kasunod ng babala ng Houthi bilang ganti sa utos ng Saudi-led coalition na ililikas ang isang pasilidad ng langis sa lungsod ng Sanaa sa Yemen.

Samantala, apat na katao ang nasugatan at 15 bahay ang napinsala sa Riyadh dahil sa mga tumamang pampasabog mula sa dalawang missile ng Houthi na nasabat ng mga awtoridad.

Dahil sa serye ng mga pag-atake sa mga paliparan at imprastraktura ng langis, maraming pandaigdigang airline ang nagpatigil muna ng kani-kanilang mga biyahe patungo sa rehiyon.

Nagbabala naman ang gabinete ng Saudi Arabia sa pamumuno ni Crown Prince Mohammed bin Salman na haharap sa mabibigat na kahihinatnan ang mga Houthi dahil sa patuloy na pambobomba sa kaharian.

-- ADVERTISEMENT --

Maraming mga bansa kinondina ang pag-atake ng Houthi rebels sa oil facilities ng Saudi Arabia