Nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon ang Southwest Monsoon o Habagat, habang sa nalalabing bahagi ng bansa naman ay ang easterlies.
Ayon sa PAGASA, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Palawan at Occidental Mindoro dahil sa Habagat.
Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay easterlies ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm.
Samantala, ang Bagyong Opong o may international name na Bualoi ay huling namataan sa layong 665 kilometro kanluran ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro kada oras at pagbugso na 160 kilometro kada oras at kumikilos sa direksyong west northwestward sa bilis na 30 kilometro kada oras..