Patuloy na makaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon ngayong Linggo.

Bunsod nito, asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Zambales, at Bataan.

Samantala, ang easterlies ang makaaapekto sa Caraga at Davao Region, na magdudulot din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat at pagkulog.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may posibilidad ng localized thunderstorms.

Ang malalakas na thunderstorms ay maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

-- ADVERTISEMENT --

Katamtaman ang taas ng alon sa kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon, habang banayad hanggang katamtaman naman sa iba pang bahagi ng bansa.

Samantala, si Tropical Storm Tapah (na dating tinawag na Lannie habang nasa loob pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR) ay huling namataan sa layong 640 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.