Aabot sa P1.1 milyon pesos ang ipinagkaloob ng Department of Science and Technology sa mga miyembro ng Pagbiyagan Farmers Association at Ob-Obbo Farmers Agriculture Cooperative sa Calanasan sa pamamagitan ng Local Grant-In-Aid Program
Ito ay bilang tugon sa pagiging produktibo at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng paggamit ng mga naaangkop na teknolohiya.
Bukod dito ay malaking tulong din para sa mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita at gumanda ng kaunti ang kanilang buhay.
Nasa 31 miyembro ng Pagbiyagan Farmers Association ang nakinabang sa ibinigay na isang unit ng rice mill habang 96 na magsasaka naman ng Ob-Obbo Farmers Agriculture Cooperative ang nakinabang sa isang mechanized sugarcane presser.
Samantala, kamakailan lamang ay nagsagawa ang mga kawani ng DOST-Apayao katuwang ang Municipal Agriculture Office ng monitoring ng Local Grant-In-Aid upang matukoy kung nagagamit ba ng wasto ang mga kagamitan.