Umaabot sa mahigit P67 million ang kabuuang halaga ng mga proyektong pang-imprastruktura na natapos ng department of public works and highways o dpwh region 2 sa ikalawang Distrito ng Cagayan.
Sinabi ni OIC-District Engineer Rellie Dalmaceda na kabilang sa natapos na imprastraktura ay ang 112-lineal-meter flood control structure, na ngayon ay nagpoprotekta sa mga residente ng Barangay Dungao sa Sto. Niño mula sa baha sa panahon ng malakas na buhos ng ulan.
Ang proyektong ito, na may kabuuang pondo na ₱48.2 milyon, ay natapos sa pamamagitan ng pagtatayo ng kongkretong slope protection sa steel sheet piles na may mga hexapod.
Ayon kay Dalmaceda na malaking tulong ang proyekto sa proteksiyon ng buhay, ari-arian, at kabuhayan ng mga residente lalo na sa mga magsasaka sa panahon ng pagbaha.
Sa bayan ng Rizal, sinabi ni Dalmaceda na natapaos ang dalawang classroom bilang karagdagang silid aralan ng mga mag-aaral sa Mauanan Elementary School sa Barangay Mauanan kung saan ito ay nagkakahalaga ng P4.7 million.
Dagdag pa ni dalmaceda, natapos na rin ang tatlong silid aralan na nagkakahalaga ng P6.5 million sa Gaddangao Elementary School sa bayan ng rizal.
Sa bayan ng Abulug, sinabi ni Dalmaceda na natapos na rin ng kanilang tanggapan ang pagpapatayo ng Municipal Health Center sa Barangay Libertad. Ang dalawang palapag na health center ay may lawak na 1,276.85 metro kuwadrado.