Tinatayang nasa hanggang P5 milyon ang halaga ng mga grocery items at ari-ariang napinsala sa sunog na naganap sa Barangay Remus sa bayan ng Baggao nitong madaling araw ng Jan 11.

Ayon kay FO3 Joey Jose ng Baggao Municipal Fire Station, hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa rin ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa grocery store na pagmamay-ari ng mag-amang sina Merito Santiago Sr at Merito Santiago Jr at sa isang residential na pagmamay-ari ni Keimark Mateo.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa grocery store na posibleng galing sa nakasaksak na CCTV camera.

Sinabi ni Jose na agad silang naka-responde sa lugar matapos na matanggap ang tawag mula sa PNP Baggao subalit sadyang mabilis na natupok ng apoy ang gusali dahil gawa ang mga ito sa light materials.

Bukod sa mga grocery items ay walang naisalba sa mga gamit sa residential house na maraming appliances kung saan wala namang tao sa naturang building ng mangyari ang sunog.

-- ADVERTISEMENT --