Nakikitang hihina o babagsak umano ang halaga ng Philippine peso laban sa US dollar kumpara sa iba pang currencies sa Asya ngayong 2025.
Sinabi ni HSBC economist for ASEAN Aris Dacanay na posibleng umabot sa ₱59 ang katumbas ng $1US ngayong taon, na posible pang umabot sa ₱60.
Posible raw itong mangyari sa pagsapit ng second quarter ng 2025.
Epekto naman daw ito ng paglakas ng dolyar dahil sa pagkakapanalo ni US President Donald Trump.
Samantala, kaugnay pa rin sa usaping pampananalapi, naitalang umabot na sa ₱16T ang utang ng Pilipinas noong Nobyembre 2024.
-- ADVERTISEMENT --