Narekober ang half submerge ng isang bangka na may tatak na FBCA Zshan sa bayan ng Sta.Ana Cagayan na napaulat na nawawala sakay ng 15 crew members noong september 2 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay PMAJ Ranulfo Gabatin, chief of police ng PNP Sta.Ana sinubukan umanong hilain ng PCG kasama ang iba pang mga fishing boat ang nasabing bangka nito lamang nakalipas na araw papunta sa San Vicente Port bayan ng Sta.Ana ngunit dahil mataas ang lebel ng tubig ay dinala ito sa crocodile Island malapit sa Palaui, island hanggang sa mairating ito sa San Vicente sa nasabing bayan.
Aniya, narekober ito sa layong 20 nautical miles east north east ng Brgy. Patunungan ng Sta.Ana at dinala sa pampang upang inspeksyunin.
Dito na nakumpirma na ito nga ang nawawalang bangka naginamit ng 15 crew na pawang mga residente ng Barangay Dinahican, Infanta, Quezon na nagbyahe noong september 2 kung saan posibleng naabutan ang mga ito ng bagyo at hanggang sa ngayon ay napaulat na nawawala.
Sa ngayon patuloy na pinaghahanap ang mga ito kung saan malayo na rin ang kanilang napuntahan kung pagbabasehan ang Sta.ana kung saan nakita ang bangka mula sa bahagi ng Quezon Province kung saan sila umalis.