TUGUEGARAO CITY- Nagpositibo sa COVID-19 ang halos 1, 000 individuals sa isinagawang 5-day Aggressive Community Testing sa lalawigan ng Apayao.
Sa datos na inilabas ng pamahalaang panlalawigan, 7,109 ang isinailalim sa pagsusuri kung saan 971 katao ang nagpositibo at 3,271 ang nag-negatibo sa resulta ng COVID-19 test.
Sa bayan ng Calanasan ay naitala ang 171 na nagpositibo; Conner na 48; Flora na 165; Kabugao na 73; Luna na may 146; Sta Marcela na 401 at Pudtol na may pito.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang 2,822 ang nag-aantay sa resulta ng kanilang swab test sa isinagawang Aggressive Community Testing na nagtapos nitong August 18.