Suspendido ang pasok ng mga mag-aaral hanggang October 11 sa Philippine Science High School sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya matapos tamaan ang 92 estudyante ng viral infection.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi Dr. Rowena Constantino, school physician na ito ay upang bigyang daan ang paglilinis sa paaralan at sa dormitoryo ng mga estudyante.
Ayon kay Constantino, hindi pa mabatid kung anong impeksiyon ang tumama sa mga mag-aaral maging sa ilang mga guro dahil negatibo ang mga ito sa kaso ng dengue kung kaya ipapadala sa Manila ang kanilang blood samples para sa ibayong pagsusuri.
Ayon kay Constantino, nakakaranas ng lagnat, ubo at pananakit ng lalamunanan ang mga tinamaan ng di pa matukoy na uri ng virus na nagsimula noong September 11.