
Maraming mag-aaral at dalawang guro ang nahilo at may mga nawalan ng malay habang dumadalo sa grand parade sa pagsisimula ng intramural meet sa isang paaralan sa Isabela City, Basilan kahapon dahil sa matinding init ng panahon.
Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang 35 sa nasa 200 mag-aaral matapos na sumama ang kanilang pakiramdam dahil sa mataas na temperatura, kung saan umabot sa 33 hanggang degrees celcius ang heat index sa nasabing araw.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang pagkahilo ng ilan sa mga mag-aaral ay dahil sa heat exhaustion.
Batay sa tala ng Basilan National High School, nasa 187 non-athlete students at dalawang guro ang dinala sa ospital
Ayon sa punong guro ng paaralan, karamihan din sa mga mag-aaral na naapektohan ng matinding init ay hindi umano kumain ng kanilang pananghalian dahil sa kasabikan sa naturang aktibidad dahil sa matapos ang anim na taon ay ngayon lamang sila nabigyan ng pagkakataon muli na magkaroon ng nasabing aktibidad.
Sasagutin umano ng paaralan sa tulong ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa ospital ng mga estudyante at mga guro.
Sa kabila ng nangyari, natuloy ang naturang aktibidad.