Halos 200 katao na mga voodoo practitioners at matatanda sa Haiti ang brutal na pinatay.
Ayon sa isang civil organization na Committee for Peace and Development (CPD),ang mga pagpatay sa kabisera na Port-au-Prince na natunghayan ng lider ng makapangyarihan na gang ay naniniwala na ang sakit ng kanyang anak na lalaki ay gawa ng mga tagasunod ng relihiyon.
Ito ang pinakabago na ginawang sukdulang karahasan ng isang makapangyarihan na gang sa nasabing lugar.
Ayon sa nasabing grupo, nagpasiya ang lider ng gang na parusahan ang lahat ng mga matatanda at voodoo practitioners na sa kanyang imahinasyon, ay may kakayahan na maghatid ng sumpa sa kanyang anak.
Mariing kinondena ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang nasabing karahasan, na ayon sa kanyang tagapagsalita ay nasa 184 ang pinatay, kabilang ang 127 na matatanda at mga babae.