Umakyat pa sa 193,333 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang matagumpay na naiturok sa unang dalawang araw ng Bayanihan, Bakunahan o National Vaccination Day sa Region 2.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) Region 2, pinakamarami ang nabakunahan sa lalawigan ng Isabela sa halos 91,000 indibidwal; sinundan ng Cagayan na mahigit 75,000, Nueva Vizcaya, Quirino, Santiago City at Batanes.
Ang naturang bilang ay 35.33% ng National Vaccination Operations Center Target at 69.29% naman ng Regional Committed Daily Target.
Samantala, umaasa naman ang DOH na mababakunahan ang target na bilang na mahigit sa 500,000 indibidwal sa pagtatapos ng national vaccination day ngayong araw.