Nakapagtala ang lalawigan ng Cagayan ng 263 na kaso ng road traffic injuries, kung saan dalawa ang dead on arrival sa pagamutan.

Sinabi ni Nestor Santiago, head ng Nestor Santiago, head ng epidemiology surveilance unit ng Provincial Health Office, sa nasabing bilang pinakamataas sa bayan ng Tuao.

Ayon kay Santiago, karamihan sa mga nasangkot sa vehicular accident ay dahil sa nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.

Kasabay nito, umaasa si Santiago na hindi na madagdagan ang bilang ng firecracker-related injuries sa mga susunod na araw.

Sinabi niya na umaabot na ngayon sa 37 ang naitala nilang firecracker-related injuries habang patuloy ang kanilang monitoring hanggang January 6.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Santiago, sa nasabing bilang, ang Tuguegarao City ang may pinakamataas na kaso na 12.

Idinagdag pa ni Santiago ang age group naman na mga nasugatan ay 11-20 years old, habang ang nangunguna naman na dahilan ng injuries ay dahil sa paggamit ng kwitis at sumunod ang boga.