Umakyat na sa 2,652 indibidwal mula sa 966 pamilya ang bilang ng mga inilikas mula sa limang probinsiya sa 66 barangay sa Region 2 dahil sa banta ng Suopertyphoon Uwan.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director Lucia Alan, pinakamarami sa mga inilikas ay mula sa lalawigan ng Isabela na sinundan ng Quirino, Cagayan, at Nueva Vizcaya.

Habang nasa 81 katao naman ang stranded ngayon sa Basco, Batanes dahil sa mga kanseladong flights.

Sinabi ni Alan na inaasahang tataas pa ang bilang ng mga ililikas lalo na sa mga mga nasa high-risk areas kung saan isinagawa ang forced evacuation.

Patuloy namang nakaantabay ang mga rescue at response teams ng bawat lalawigan, katuwang ang mga local government units, pulisya, at volunteer groups, upang tiyakin ang kaligtasan at maayos na operasyon sa mga evacuation centers.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak din ng DSWD na may sapat na food at non-food items ang tanggapan upang makapagbigay ng augmentation support sa mga lokal na pamahalaan sa oras ng pangangailangan.