Umakyat na sa 459,929 ang mga indibidwal o katumbas ng 94,800 na pamilya ang apektado ng pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga pamilyang naapektuhan ay mula sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at BARMM.

Nasa 3,312 families o 12,814 individual ang namamalagi sa evacuation center.

Habang aabot sa 24,547 families o 122,653 individual ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak.

Samantala, umabot na sa kabuuang ₱24.40-M ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng DSWD sa mga apektado ng pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao.

-- ADVERTISEMENT --

Habang may ₱2.6-B pang stand-by fund na relief resources ang DSWD na handang ipagkaloob para sa mga mangangailangan pa ng tulong.