TUGUEGARAO CITY-Sumailalim sa training at seminar ang nasa halos 50 sumukong miembro ng Militia ng bayan at mga armadong grupo sa hanay ng 54th Infantry Battalion Philippine Army sa lalawigan ng Ifugao.
Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) , lumahok ang 47 mga militia ng Bayan at mga rebeldeng grupo sa kanilang sustainable livelihood program orientation.
Layon ng aktibidad na matulungan ang mga sumukong rebelde para sa kanilang pagbabagong buhay sa ilalim ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Samantala, bumuo naman ng memorandum of partnership agreement sa pagitan ng 5th Infantry division at provincial and municipal government ng Ifugao upang masuportahan ang proyektong pang-imprastraktura para sa development ng naturang probinsiya.with reports from Bombo Rose Ann Ballad