TUGUEGARAO CITY-Ipinadala na sa iba’t ibat lugar ang nasa 800 daang mga pulis para sa gagawing pagbabantay sa halalan sa May 13,2019 sa Kalinga.
Isinagawa ang send-off ceremony kahapon sa Kalinga Police Provincial Office kasama ang 503rd Infantry Brigade at Department of Education-Kalinga at Comission on Elections.
Sinabi ni Police Colonel Russel Job Balaquit,OIC director ng Kalinga PNP na ito ay para matiyak ang payapang botohan lalo na sa mga liblib na lugar.
Ayon pa kay Balaquit,titiyakin din ng mga pulis ang seguridad ng pagbiyahe sa mga Vote Counting Machines at iba pang election paraphernalia.
Nanawagan naman si Col. Henry Doyaoen,commnader ng 503rd Infantry Brigade,Philipppine Army sa mga sundalo na tutulong sa pagbabantay sa seguridad sa halalan na huwag magpagamit sa mga pulitiko.
Pinaalalahanan naman ni Benilda Daytaka, schools division superintendent ng DedEd-Kalinga na manatiling non-partisan sa kanilang pagsisilbi upang hindi mabahiran ang integridad ng halalan.