
Muling magpapatupad ang oil companies ng pagtaas sa presyo ng langis bukas.
Ito na ang pangwalong sunod-sunod na linggo na oil price hikes para sa gasolina, at pang-sampu naman para sa diesel at kerosene sa gitna ng pag-atake ng ng Estados Unidos at Israel sa Iran.
Sa advisory, itataas ang presyo ng kanilang gasolina sa P1.90 per liter, P1.20 per liter sa diesel, at P1.50 sa kerosene.
Magpapatupad ng katulad na presyo ang Cleanfuel.
Ipatutupad ang oil price hikes bukas ng 6 a.m. bukas, March 3, para sa lahat ng oil companies maliban sa Cleanfuel na ipapatupad ito ng hapon sa nasabing ring araw.
Una nang tinaya ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ang pagtaas sa presyo ng langis na mahigit isang piso, dahil sa kaguluhan sa pagitan ng US at Iran.










