Tuguegarao City- Halos P2B na ang pinsalang iniwan ng malawakang pagbaha sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa lalawigan ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos ng PDRRMO Cagayan, nasa kabuuang P447,800,256 ang nasira sa agrikultura.

Mula sa nasabing bilang ay mahigit P300M ang nasira sa palayan, mahigit P36M sa maisan, P5.8M sa gulayan, mahigit P18M sa palaisdaan at magigit P8M sa livestock.

Batay sa report ay mahigit walong libo na mga magsasaka na ang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Samantala, sumampa na rin sa mahigit P1B ang pinsalang iniwan sa infrastructure partikular sa mga kalsada, tulay at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Umabot naman sa 118,265 families o 434,120 individuals naman ang naiulat na naapektohan ng pagbaha na nagbunsod sa pagkakatala ng 13 casualties at pito ang nasugatan.

Sa bayan ng Baggao ay may 21 bahay ang totally damaged at pito ang partially damaged.