Tuguegarao City- Tinatayang nasa halos dalawang milyong piso ang halaga ng

iniwang pinsala ng sunog sa isang bahay sa Bulanao, Tabuk, Kalinga.

Sa panayam kay SFO1 Anthony Dumalan, imbestigador ng BFP Tabuk, tinupok ng

apoy ang buong bahay at wala ng maaaring mapakinabangan sa mga gamit ng mga

-- ADVERTISEMENT --

may-ari na tumangging mapangalanan.

Batay aniya sa imbestigasyon, nagmula ang sunog sa dirty kitchen ng bahay at

pasado alas 11 ng gabi ng June 17 ng mapansin ito ng kasambahay kaya’t agad na

inalarma ang kanyang mga kasamahan upang lumabas.

Sinabi ni Dumalan na mabilis ang pagkalat ng apoy at umabot sa tatlong fire

truck ang nagtulung-tulong upang ito ay maapula sa loob ng halos dalawang

oras.

Wala namang ibang kabahayan ang nadamay sa insidente habang patuloy na

iniimbestigahan ng BFP Tabuk ang sanhi ng sunog.