Kulong ang isang kahera matapos na pagnakawan umano ang money remittance sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Sinabi ni PMAJ Junjun Balisi, chief of police ng PNP Tuao, batay sa salaysay ng may-ari ng money remittance, natuklasan niya na may nawawalang P500,000 sa kanyang negosyo.
Dahil dito, tinignan niya ang kanilang pass bool account at dito niya nadiskubre na hindi lang ang nasabing halaga ang nawawala sa halip ay umabot ito sa halos P4 million.
Agad na dumulog ang may-ari sa PNP at pinaniniwalaan niya na ang kahera ang naglabas ng nasabing halaga sa kanilang pass book account.
Sinabi ni Balisi na nagsagawa sila ng operasyon at nahuli ang kahera at nakita sa kanya ang mga withdrawal slip.
Ayon kay Balisi, ang kahera ang inuutusan ng may-ari na magdeposito at mag-withdraw ng pera sa bangko.
Sinabi ni Balisi na nakatakdang sampahan ng kasong qualified theft ang kahera.