TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na Bureau of Fire Protection sa bayan ng Tuao, Cagayan ang pagliyab ng kaparadang sa van tapat ng old market sa Brgy. Palca, Tuao, Cagayan.
Sinabi ni SFO4 Julito Tuliao, fire marshall, nadamay ang limang stalls sa pagliyab ng van kung saan kasamang naabo ang halos P500, 000 na pagmamay-ari ng mag-asawa na nakapwesto sa nasabing stalls.
Bukod sa pera, nasunog din ang isang motorsiklo, mga damit at iba pang paninda.
Sinabi ni Tuliao na may nakakita na umuusok ang ilalim ng van bago ito nagliyab.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon sa kanya, umabot sa second alarm ang nasabing sunog at mabilis na tinupok ang mga puwesto dahil sa mga nakakabit na light materials sa mga puwesto.