Umaabot sa halos P5 billion ang pinsala na iniwan ng ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture, umaabot na sa P4.85 million ang pinsala sa nasabing sektor bunsod ng nasabing bagyo.

Sinabi pa ng DA na nasa 120,315 na magsasaka at mangingisda mula sa Cordillera Administrative, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western and Eastern Visayas, Soccsksargen at Caraga regions ang naapektohan.

Sinira rin ng bagyo ang P50.41 million na halaga ng farm structures at P26 million na halaga ng irrigation facilities.

Kaugnay nito, sinabi ni DA director Lorna Belinda Calda na may sapat na supply ng bigas ang National Food Authority (NFA) sa gitna ng pananalasa ng magkakasunod na bagyo na sumira sa mga pananim na palay.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi naman ni NFA administrator Larry Lacson na may 4.3 million bags na NFA rice stocks na maaaring ipamahagi sa mga apektado ng mga bagyo at iba pang kalamidad.