Umabot sa halos limang milyon ang halaga ng nasabat na 40 bricks ng marijuna sa Tabuk City, Kalinga.
Ayon kay PLTCOL Dinulong Tombali, hepe ng pulisya, nagpanggap na turista ang tatlong nahuling suspek na
kinilalang sina Mark Anthony Comia, 29 ng Novaliches, Quezon City; Edwarf Dela Cruz , 35,residente ng
San Roque, Navotas City at si Yarielle Lacambra , 22 na resident ng Bahay Turo, Quezon City.
Aniya, ang pagkakahuli sa mga suspek ay dahil sa pinalakas na operasyon ng PNP ngayong holiday season
kung saan naharang ng mga otoridad sa checkpoint ang sasakyan ng mga suspek na galing pa ng Buscalan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Tabuk City ang tatlong suspek at nahaharap sila sa kasong
paglabag sa RA 9165 o Comprehenssive Dangerous Drugs Act of 2002.