Sinira ng mga otoridad ang halos P7M halaga ng tanim na marijuana sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Pinangunahan ng PDEA katuwang ang PNP ang high-impact eradication operation sa lugar.
Tinatayang nasa 34,500 fully grown marijuana plants na sumasaklaw sa halos 2,300 square meters ang sinunog at winasak.
Ayon sa PDEA, ang tagumpay ng mga operasyon laban sa ilegal na droga ay hindi lamang nakasalalay sa sipag ng mga ahensiya ng gobyerno kundi maging sa aktibong pakikiisa ng komunidad.
Ang ganitong kooperasyon ay mahalaga upang mapanatili ang momentum sa kampanya kontra droga at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
-- ADVERTISEMENT --