Halos P9 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operation sa lalawigan ng Kalinga, Benguet, at Ifugao.

Umabot sa 41,750 marijuana plants na nagkakahalaga ng P8,350,000 ang narekober ng kapulisan at PDEA sa Brgy. Bugnay, Brgy. Loccong, Brgy. Butbut Proper, at Brgy. Ngibat sa Tinglayan, at Brgy. China sa Rizal, Kalinga.

Sinunog ang 3,800 marijuana plants na nagkakahalaga ng P760,000 sa Brgy. Tacadang at Brgy. Palina sa Kibungan, at Brgy. Kayapa sa Bakun, Benguet.

Natagpuan din sa Ifugao ang 10 piraso ng marijuana plants na nagkakahalaga ng P2,000 sa inilunsad na marijuana eradication sa Brgy. Viewpoint, Banaue.

Patuloy naman ang mga isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang iba pang mga plantasyon ng marijuana sa mga kalapit na lugar at mahuli ang mga indibidwal na nagtanim ng ipinagbabawal na gamot.

-- ADVERTISEMENT --