Naniniwala si Eng. Carol Tumaneng, head ng Pinacanauan River Irrigation System at Lower Chico Irrigation System, na handang harapin ng mga pumping station sa Cagayan, partikular sa Solana at Tuguegarao, ang mga hamon ng El Nino sa suplay ng patubig para sa mga magsasaka.

Ayon kay Tumaneng, may mga plano nang nakahanda ang ahensiya, sakaling maapektuhan ng El Nino ang suplay ng tubig.

Kasama na rito ang water rotation at konstruksyon ng brass dam para mapanatili ang sapat na suplay ng tubig para sa mga pananim.

Inaasahang magkakaroon ng anihan sa simula ng Marso, at ang natitirang tubig ay susustentuhan sa pamamagitan ng konstruksyon ng brass dam habang sa Solana naman ay magkakaroon ng isang linggo na shut off sa suplay ng tubig habang sa Chico River Pump ay patuloy ang operasyon nito dahil sa may ilan na huling nagtanim.

Plano rin ng ahensiya na magkaroon ng canal clearing at oiling ng mga gates sa panahon ng pansamantalang pagputol sa suplay ng tubig.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, magkakaroon din ng preventive maintenance sa mga pumps at transformers upang masiguro ang maayos na operasyon kahit sa maikling panahon ng pag-putol.

Dagdag pa ni Tumaneng na sa pagdating ng Mayo ay hindi masyadong apektado ang simula ng wet crop sa Pinacanauan River Irrigation System at Lower Chico dahil ito ang panahon ng pagtatanim.

Inaasahang magiging maayos ang suplay ng tubig hanggang sa pagtatapos ng pananim sa Oktubre o Nobyembre, at depende pa sa mga last farming.