TUGUEGARAO CITY-Nakared-alert status na ang hanay ng kasundaluhan kasabay ng ikalimang state of the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ayon kay Major Noriel Tayaban , tagapagsalita ng 5th infantry division Philippine Army , nakahanda na ang kanilang miembro na umasiste sa hanay ng kapulisan sa pagbabantay sa mga nasasakupang lugar.
Inaaasahan na umano nila ang mga isasagawang protesta ng mga progresibong grupo kung kayat ito ang kanilang babantayan.
Sa kabila nito, nanawagan si Tayaban sa mga magsasagawa ng protesta na huwag kakalimutan na sumunod sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, pag-obserba sa social distancing para makaiwas sa nakakamatay na sakit na covid-19.
Bukod dito,sinabi ni Tayaban na hindi rin nila inaalis ang posibleng paghahasik ng kaguluhan ng mga makakaliwang grupo na mahigpit na minomonitor ng kanilang hanay.