Nagsagawa ng Harvest Field Day ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Cordillera (BFAR-CAR) para sa Aquapark Fish Cage Project sa ilalim ng programang “Sagip Saka” sa Bacut Lake.
Ang programa ay naglalayon na pangalagaan, protektahan, at patuloy na bumuo ng mga pangisdaan at aquatic resources sa mga lokal na komunidad, maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kabuhayan sa mga mangingisda, at pagbutihin ang produksion ng aquaculture.
Ang kaganapan ay dinaluhan ng mga opisyal, kabilang ang BFAR-CAR Regional Director, OIC Provincial Fisheries Officer Apayao, mga aktibong miyembro ng lokal na asosasyon, at iba pang stakeholder.
Ang mga inani na isda ay ibinebenta sa mga kalapit na komunidad, na may presyo mula P120 hanggang P150 kada kilo, depende sa laki.
Nakatanggap naman ang mga rehistradong may-ari ng fishpond sa Santa Marcela at Flora ng tilapia fingerlings.
Samantala, plano ng DA-BFAR-CAR na magdaos ng isa pang Harvest Field Day sa Kapayanan Dam sa Flora, Apayao,.