
Pumanaw na ang boxing heavyweight legend na si George Foreman sa edad na 76, ayon sa kanyang pamilya.
Kilala bilang Big George sa ring, siya ang gumawa ng isa sa pinakakilala at enduring careers sa sport, kung saan nanalo siya ng Olympic gold noong 1968 at nakuha niya ang world heavyweight title ng dalawang beses, ang ikalawa ay noong siya ay 45-anyos at siya ang oldest champion sa kasaysayan.
Natalo siya sa kanyang unang titulo kay Muhammad Ali sa kanilang sikat na Rumble in the Jungle fight noong 1974.
Subalit, ipinagmamalaki ni Foreman ang kanyang kabuuan na 76 na panalo kabilang ang 68 knockouts, halos doble sa record ni Ali.
Nagretito siya sa sport noong 1997, subalit una na niyang inilunsad ang kanyang George Foreman Grill, kung saan milyon-milyon ang bumili nang mailabas ito sa merkado noong 1994.
Ipinanganak si Foreman sa Marshall, Texas noong January 10, 1949, at mayroon siyang anim na kapatid sa single mother.
Limang beses siyang nag-asawa, kung saan mayroon siyang 12 anak, kabilang ang limang lalaki na ang kanilang mga pangalan ay George.