Patay ang isang helper nang aksidenteng makuryente matapos sumagi sa kable ng kuryente ang isang wing van sa bayan ng Sto Niño, Cagayan.

Ang hindi na pinangalanang 22-anyos na biktima ay nagtatrabaho sa isang hardware supplies sa bayan ng Sto Niño, at residente ng Cauayan City, Isabela.

Ayon sa PNP Sto Niño, nangyari ang aksidente matapos magdiskarga ng mga hardware supplies ang biktima mula sa wing van sa Brgy. Poblacion, dakong 1:50 ng hapon noong August 11.

Sinabi ng pulisya mali ang napindot ng biktima na sa halip na ibaba ang hydraulic boom ng wing van para isara ay mas lalo pa itong umangat na nagresulta sa pagkakasagi sa kable ng kuryente.

Agad namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doktor.

-- ADVERTISEMENT --