
Pormal nang binuksan ang makabagong Hemodialysis Center sa Northwestern Cagayan General Hospital (NCGH) sa bayan ng Abulug na naglalayong palawakin ang healthcare services para sa una at ikalawang distrito ng Cagayan.
Ayon kay DOH Undersecretary Dr. Glenn Mathew Baggao na siyang nanguna sa inagurasyon na maituturing na tagumpay sa larangan ng medisina ang ang pagbubukas nito lalo na sa mga pasyenteng may chronic kidney diseases na nangangailangan ng dialysis treatment services.
Mayroon itong 15 hemodialysis machines para sa pasyente at may nakatalagang espesyalista mula sa Cagayan Valley Medical Center.
Dagdag pa ni Baggao na libre ang gamutan dahil sakop ito ng No Balance Billing ng PhilHealth.
Target rin na i-upgrade ang naturang infirmary hospital.










