
Ni-relieve sa pwesto ang Chief of Police ng Tuba Municipal Station sa Benguet matapos ang mishandling ng kaso ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral.
Ito ay kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) acting Chief Police Lt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa ambush interview habang ginaganap ang ocular inspection sa mga nagbebenta ng paputok sa Bocaue, Bulacan
Ayon sa kanya, hindi na dapat pang turuan ang nasabing officer dahil alam na nito dapat ang gagawin sa ganitong uri ng insidente.
Matatandaan na nagkaroon ng lapses o pagkukulang ang mga pulis sa pagpipreserba ng mga ebidensya dahil naibigay ito agad sa pamilya ni Cabral.
Patuloy naman na gumugulong ang imbestigasyon kung saan kinakalap na ng PNP katuwang ng National Bureau of Investigation (NBI) ang iba pang mga impormasyon at ebidensya sa nasabing insidente.










