Handang ilunsad ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang kauna-unahang HD LiftOff, isang world-class weightlifting competition na gaganapin sa susunod na buwan.

Pangungunahan ni Diaz at ng kanyang asawa at coach na si Julius Naranjo ang torneo na naglalayong mas mapalawak ang interes ng mga Pilipino sa sport na weightlifting at makapagbigay ng dekalidad na kompetisyon sa bansa.

Ayon kay Diaz, napapanahon na ang pagsasagawa ng naturang torneo, limang taon matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas.