Nagluto ang local chefs ng higanteng paella mula sa traditional “chong-ak” rice ng Kalinga sa Burnham Park sa Baguio City kahapon upang ipakilala ang heirloom grains ng Cordillera.

Niluto ang nasabing pagkain na mula sa Spain na may twist ng Cordillera sa 3-meter diameter na palayok sa nagbabagang apoy.

Umabot sa 100 kilos ng bigas na hinaluan ng mga gulay na mula sa Benguet, “kini-ing” o smoked pork, “pinunog” o smoked sausage mula sa Ifugao at “pinuneg” o blood sausage mula sa Benguet ang mga sangkap sa nasabing paella.

Pinagsaluhan naman ang tinawag na “Cordillera paella” ng mga opisyal at kawani ng Department of Agriculture (DA) bilang culminating activity sa farmers’ and fishermen’s month celebration ngayong taon.

Kaugnay nito, sinabi ni Kalinga Gov. James Edubba na kasama sa event, na ang pagpapakilala sa unique na palay mulasa Cordillera ay makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng indigenous Filipino communities, at magpapalawak sa kaalaman tungkol sa kultura ng Cordillera Administrative Region.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Edubba na ang Chong-ak ay itinatanim sa kanyang bayan sa Pasil, at certified na organic food.

Ito ay kabilang sa “unoy” o traditional varieties sa Kalinga at ang mga ito ay simbolo ng heritage ng lalawigan.