Naipa-deport na ng Bureau of Immigration ang high-profile fugitive na wanted sa terorismo at sa organized crime sa India, na nagdulot ng kaniyang madaliang pagkakaaresto sa kanyang pagdating sa New Delhi.
Ang Indian na si Joginder Gyong o mas kilala sa pangalang Gupta Kant ay unang naaresto ng BI sa Bacolod City.
Si Gyong ay sangkot sa mga kasong multiple murders, extortion, kidnapping for ransom, at arms trafficking sa India.
Ang naturang Indian terrorist ay subject din ng Interpol red notice at may open arrest warrant mula sa iba’t ibang korte sa India.
Lumalabas din sa mga imbestigasyon na si Gyong ay may malaking papel sa underground criminal syndicates sa India na konektado sa terror-linked networks.
-- ADVERTISEMENT --