
Tutugisin ng Philippine National Police (PNP) ang mga high-profile mastermind sa likod ng iligal na pagawaan ng sigarilyo na natuklasan sa Mexico, Pampanga.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., tinututukan na ngayon ng mga imbestigador ang financial trail at iba pang mahahalagang ebidensya na maaaring magturo sa mga financier ng mga smuggling activitied ng sigarilyo sa bansa.
Aniya, bukod sa lugar ng iligal na operasyon, nakatuon na ngayon ang imbestigasyon sa mga taong nagpopondo at nagbibigay-proteksiyon dito, partikular ang dalawang politiko mula sa Northern Luzon na tinukoy bilang posibleng mga financier.
Noong 2024, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na nawalan ang pamahalaan ng P30 bilyong kita sa buwis dahil sa smuggling ng sigarilyo.










