TUGUEGARAO CITY-Nasa kustodiya na ang mga otoridad ang isang indibidwal na itinuturing na high value target sa probinsya ng Nueva Vizcaya matapos ang isinagawang buy bust operation.

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Valdez, 53-anyos, empleyado ng Nueva Vizcaya State University at residente ng Brgy. Don Domingo, Maddela, Bayombong sa nasabing probinsya.

Nahuli si Valdez matapos magpanggap na buyer ng illegal na droga ang isang pulis.

Nakuha sa suspek ang anim ba sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800, cellphone at ang ginamit na motorsiklo.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --