Umabot na sa 105 mga pulis na miyembro ng Police Regional Office No. 2 (PRO2) ang natanggal sa serbisyo sa lambak ng Cagayan mula ng simulang ipatupad ang internal cleansing noong 2016 hanggang sa kasalukuyang taon.

Sa panayam kay PLTCOL Efren Fernandez II, tagapagsalita ng PRO2, ito ay kahayagan lamang na hindi kinukunsinti ng kanilang organisasyon ang hindi magandang gawain at paglabag ng mga miyembro nito.

Batay aniya sa datos mula sa kanilang Dicipline Law and Order Section ay 41 personnels ang natanggal mula sa kanilang
Regional Headquarters na may 41 sinundan ng Cagayan PPO na may 18, sa Isabela PPO ay 11, Santiago City Police Office ay 10, Nueva Vizcaya PPO ay 9, sa Regional Headquarters Support Group ay 6, sa Regional Mobile Force Battalion-5, sa Quirino PPO ay 4 at sa Batanes PPO naman ay mayroong 1.

Sinabi niya na ang pagtatanggal sa mga kawani ng pambansang pulisya ay dumadaan naman sa due process at binibigyan ng pagkakataon ang mga sangkot sa maling gawain na linisin ang kanilang pangalan ngunit kung mapapatunayan na lumabag ay sinisibak sa pwesto.

Inihayag pa niya na ang ilan sa mga na-dismissed ay guilty sa kasong Grave Misconduct at Grave Neglect of Duty o ang (Absent Without Official Leave) habang ang iba naman ay dismissed for Conduct Unbecoming of an Officer.

-- ADVERTISEMENT --