Aabot sa 10,417 pamilyang o 33,602 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng Bagyong Uwan sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Aileen Guzman, City Social Welfare Officer 1, sa kasalukuyan, 22 evacuation centers pa ang bukas mula sa 57 na pansamantalang tirahan, habang 20 centers na ang nagsara kung saan halos 1,000 pamilya o higit 3,000 indibidwal ang nananatili pa sa mga evacuation centers.

Samantala, sinimulan na ang massive relief operation sa lungsod katuwang ang Department of Social Welfare and Development Region 2.

Natapos na ang pamamahagi ng 1,701 family food packs (FFPs) sa mga barangay sa eastern areas ng Tuguegarao, at kasalukuyang ipinapamahagi ang tinatayang 2,836 FFPs sa mga northern areas ng lungsod.

Katuwang sa operasyon ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Army, at iba pang kawani ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy rin ang monitoring sa mga apektadong lugar, at tuloy-tuloy ang suporta at relief operations para sa mga apektado.