
Mahigit 30 testigo ang nakatakdang iharap ng House prosecution panel sa paglilitis ng kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, ang lead prosecutor at pinuno ng House Committee on Justice, kasabay ng paghahain ng koponan ng kanilang pre-trial brief sa Senate Impeachment Court.
Ayon kay Luistro, pinalawak nila ang listahan upang matiyak na mailalatag ang lahat ng mahahalagang testimonya. Ipinaliwanag niya na batay sa patakaran, ang mga testigong hindi babanggitin sa pre-trial ay maaaring ipagbawal na sumalang sa mismong trial.
Gayunpaman, nilinaw nina Luistro at San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora na pinapayagan sa patakaran ng impeachment ang hindi muna pagpapangalan sa ilang testigo at dokumento para sa kanilang “seguridad at kaligtasan,” basta’t maibibigay ang sapat na deskripsyon ng kanilang katungkulan at ang layunin ng kanilang testimonya.
Inasahan naman ang pagsalang ng mga opisyal at rekord ng bangko bilang bahagi ng mga ebidensya ng prosekusyon para patunayan ang mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman (unexplained wealth) at maling paggamit ng confidential funds.
Nakatakdang idaos ng Senado ang pre-trial conference sa Hunyo 18, habang pormal namang magsisimula ang impeachment trial sa darating na Hulyo 6.










