Umabot sa 569 indibidwal ang natulungan ng Cagayan Police Provincial Office katuwang ang ibang law enforcement agencies sa isinagawang rescue operations ngayong araw, Nobyembre 10, 2025.

Ayon kay PCPT. Sheila Joy Fronda, Chief PIO ng Cagayan PPO, kabilang sa mga bayan kung saan isinagawa ang rescue operations ay sa Amulung (5 operasyon), Piat (3 operasyon), Tuao (3 operasyon), at Enrile (1 operasyon).

Ang mga operasyon ay dulot ng biglaang pag-apaw ng Chico River dahil sa pagbaba ng tubig mula sa kabundukan at ng Cagayan River kasunod ng pagbubukas ng Magat Dam gates.

Sa pinakahuling monitoring, umabot na sa 10.5 meters (critical level) ang lebel ng tubig sa Buntun Bridge.

Nananatili ring nakabukas ang 7 gates ng magat dam na may kabuuang pagbubukas na 26 metro.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng matinding pagbaha, nananatiling zero casualty ang probinsya ng Cagayan, ayon sa ulat ng kapulisan.

Patuloy na naka-standby ang mga yunit ng pulisya upang agad na tugunan ang anumang emergency na maaaring mangyari sa mga apektadong lugar.