
Inihayag ng Malacañang na maaaring i-blacklist ang higit 60 kontratista ng mga infrastructure projects sa bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kasalukuyang isinasagawa ang proseso para sa 16 kontratista, habang 4 sa kanila ay mawawalan ng lisensya, ayon sa Philippine Contractors Accreditation Board.
Sinabi din ni Castro na ang mga kontratistang maayos at matapat ay babayaran agad upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga proyekto.
Aniya, ang pagtatapos ng kasalukuyang mga proyekto sa imprastruktura ay makakatulong sa paglago ng ekonomiya.
Ang hakbang ay bahagi ng pagtugon sa kinasasangkutan ng anomalya sa flood control projects na nagdulot ng pagkaantala sa construction spending at naglantad sa ilang opisyal at kontratista.










