Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may 1,350 local government units ang muling nag-activate ng kanilang Local Price Coordinating Councils (LPCCs) sa buong bansa.

Ito ay para tumulong sa pag monitor sa supply at presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin.

Sa ngayon, may 1,269 LGUs sa nasabing bilang ang nagsasagawa na ng regular na inspeksyon sa pamilihan, 230 ang nagtalaga ng barangay officials at NGO upang subaybayan ang pagtaas ng presyo.

May 1,201 naman mula din sa kanila ang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang hoarding at hindi makatarungang pagtaas ng presyo.

Ang pag-activate ng LPCCs ng LGUs ay batay sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council (NPCC) at naaayon sa “Bantay Presyo” initiative ng Department of Agriculture (DA).

-- ADVERTISEMENT --

Pagtiyak pa ng DILG na mahigpit na susubaybayan nito ang pagsunod ng LGU upang matiyak ang proteksyon ng mga mamimili at pagiging abot-kaya ng pagkain sa local level.